Tuesday, May 29, 2012
Take Mirror Off Wall During Lightning Storm (translated in Tagalog)
“Nakita mo ba kung bakit nila ginawa iyon?”
“Anong ginawa?”
“Nakita mo bang tinanggal nila yung salamin sa dingding dahil sa kidlat?”
Totoo iyon, nang kumidlat at nagsimulang bumuhos ang ulan lahat ng mga salamin sa loob ng maliit na bahay sa bukid ng El Salvador ay tinanggal mula sa dingding at inilapag na nakataob sa katabing upuan.
Sinasabi ng mga tao dito na ang salamin ay umaakit ng kidlat. Upang hindi sila makapangyari, dapat mong tanggalin sila mula sa pader.
Binigyan na naman ako ng pinsan ko na isa pang kaibahan ng kultura ng Salvadoran. Tiningnan ko siya ng may alinlangan.
Tumingin ako sa isa sa mga babae na lumaki sa bahay, “Totoo ba ito?”
“Oo,” sagot niya ng tumakbo para tanggalin ang isa pang salamin.
Nagpatuloy ako sa aking pagdududa. “Mayroon ka bang alam na bahay na kailaman ay tinamaan ng kidlat dahil ang mga tao doon ay kailanman hindi tinanggal ang mga salamin?”
Nag-isip sandali ang babae. “Wala,” sagot niya, “Ginagawa ko lang ito dahil palaging sinasabi ng nanay ko na tanggalin ang mga salamin tuwing umuulan.”
“Mayroon bang alam na bahay ang nanay mo na kailaman ay tinamaan ng kidlat dahil ang mga tao doon ay hindi kailanman tinanggal ang mga salamin?”
Tinawag namin itong pagsasalin.
Ang kultura, tradisyon ay hindi kinakailangang magkaroon ng kabuluhan, hindi ito kailangang maging makatotohanan upang magkaroon ng kinalaman. Ang mga tularan ng kultura, tradisyon ay marahil dulot ng aksyon ng mga tao na ipinapasa sa paglipas ng mga taon upang bigyan tayo ng pakiramdam ng kasiguruhan, kaginhawahan , sa mga pangyayari kung saan wala tayong kontrol. Ang pakiramdan na “may ginagawa upang kalmahin kahit paano ang nerbiyos ng tao hayop.
Walang mga katanungan ang tinanong. Ito ang pakiramdan ng kasiguruhan sa halip na lohika na nagdudulot ng kahalagahan sa naturang tradisyon.
Kaya sa El Slavado ang mga tao ay tinatanggal ang mga salamin sa pader tuwing umuulan upang maiwasan ang kidlat na tumama sa kanilang mga tahanan.
Ano pa bang magagawa mo?
Tanggalin ang mga salamin sa pader tuwing kumukidlat.
***TRANSLATED IN TAGALOG FOR ENGLISH-TAGALOG LESSONS PURPOSES ONLY***
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment