Pages

Friday, April 20, 2012

Tubig

(CLICK HERE FOR ENGLISH VERSION)
Ang tubig ay kay sagana sa paligid kung kaya’t ito ay ating winawalang-bahala. Ang tubig ay napakahalaga; dahil kung wala ang tubig, wala ring buhay. Alam mo ba na ang katawan ng mga halaman at hayop ay nagtataglay ng mas maraming tubig kaysa ibang sangkap? Maliban sa hangin na ating nilalanghap, ang tubig ay may malaking bahagi sa ating buhay. Bukod sa pagkakaroon ng tubig para sa ating personal na paggamit, ang tubig ay ginagamit rin sa kuryente at transportasyon.
Mga pitungpong bahagi ng ating mundo ay tubig. Maaari nitong baguhin ang anyo ng daigdig sa pamamagitan ng mga paggalaw nito. Ang klima ay natutukoy sa pamamagitan ng daloy ng tubig. Ang tubig ay maaaring epektibong magamit bilang kuryente upang paganahin ang mga makina ng mga pabrika at ating tahanan. Dahil ang tubig ay tumatakbo pababa, maaari itong lumikha ng isang puwersa na epektibong magagamit bilang kuryente. Ang tubig ay pinanggagalingan ng murang transportasyong ng mga kailangan at mga materyales sa halos saan man sa mundo. Ang tubig ay lumalaki ng 1700 ulit kapag naging singaw, kaya ang paglikha ng isang kuryente ay maaaring magdala ng isang makina ng tren.
Ang tubig ay isang unibersal na panunaw. Tinutunaw nito ang maraming uri ng iba’t-ibang sangkap. Mula sa tubig-dagat, ang bromine na ginagamit sa anti-knock gasoline , ay maaaring malikha.  Ang potash na ginagamit sa pataba ay maaaring magawa mula sa tubig-lupa.
Ang tubig ay ginagamit sa maraming gawaing pang-inhinyero dahil sa ito’y halos di mapaikli. Ang tubig ay may mataas na tiyak na init kaysa maraming mga sangkap, kahit na ito ay isang mahirap nakonduktor ng init at koryente. Ang tubig ay pinagtibay bilang batayan ng pagsukat ng mga tiyak na bigat at tiyak na init. Ang ‘protoplasm’ na pangunahing pinagkukunan ng buhay ay lubos na galing sa tubig.  Ang dagta ng mga halaman pati na rin ang dugo ng mga tao ay panguhaning tubig.
Kung ang tao ay hindi uminom ng tubig ng walo o sampung araw, siya ay mamamatay. Kailangan ng tao na uminom ng napakaraming tubig. Sa katunayan, ang katawan ng tao ay binubuo ng higit 2/3 na tubig.  Ang tubig sa karaniwan, ay may ilang dumi maliban sa tubig-ulan at tubig na matatagpuan sa yelong lupain ng North at South Poles. Ang tubig-dagat ay naglalaman ng nakaparaming asin sa anyo ng sodium chloride, habang ang tubig-bundok naman ay naglalaman ng malaking bahagi ng iron salts at sulfides. Ang mga ito ay maaaring mapanganib at hindi masarap ang lasa kapag nainom. Maaaring ito ay mapanganib din sa mga kasangkapan na ginagamitan ng tubig.
Naririnig natin ang salitang matigas na tubig kung saan ay karaniwang inililipat sa tubig na naglalaman ng malaking bahagi ng calcium, magnesium chloride at sulfates. Ang tubig ay itinuturing na malambot kapag ang mga mineral nito ay wala sa tubig. Ang puting makaliskis na sangkap na lumilitaw sa ilalim ng takore ay calcium carbonate na matatagpuan sa tubig. Ang proseso ay kilala bilang  deionization na nagtatanggal ng asin mula sa solusyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga tiyak na kemikal.
Ang mga Sentro ng Pangkalusugan ay itinatag upang suriin ang mga tubig at mag-aral at magrekomenda ng paraan upang puksain ang mapaminsalang dumi sa tubig dahil ang tubig ay pangunahing sangkap ng buhay ng tao.
Ang lungsod ay nagpapatakbo ng isang planta ng paglilinis na dinisenyo at nagtatag ng mga inhinyero na bihasa sa trabahong ito sa mga lugar na maraming tao na kung saan ang tubig na kinukuha ay mula sa ilog o lawa para gamitin sa mga tahanan.
Ang pagdagdag ng kloro sa tubig ay ang pinaka-praktikal sa mga maraming paraan ng paglilinis ng tubig. Ang chlorination ay pumipigil sa pagka-kontamina ng tubig sa mga swimming pool upang ito ay maging ligtas.

No comments:

Post a Comment