(CLICK HERE FOR ENGLISH VERSION)
Doon sa Agra, India nakatayo ang walang kamatayang bantayog sa pag-ibig ng isang emperador. Ipinatayo ito ni Emperador Shah Jahan para sa kanyang ikatlong asawa, ang magandang si Mumtaz Mahal. Iyon ay tinawag na Taj Mahal.
Ang Reynang si Mumtaz ay ipinanganak noong 1593. Siya ay ikinasal sa prinsipe na si Shah Jahan., na kalaunan ay naging isang emperador. Siya ay naging mabuting emperador at mautak siyang namuno. Sa panahon ng kanyang paghahari, naipatayo ang mga napakagandang gusali at mga palasyo. Isang panday ng ginto ang pinagawa niya ng isang detalyado at komplikadong trono ng pambihirang mahahalagang bato. Ito ay mahaba na mababang sopa na may ginintuang mga binti. Isang palyo na nakahimlay sa labindalawang mga esmeraldang poste ang nasa itaas ng trono. Isang puno ng mga dyamante, mga ruby, esmeralda at perlas ang nakatayo sa gilid nito.
Noong 1631, ang Reynang si Mumtaz mahal ay namatay sa panganganak. Ang emperador ay labis na napighati. Ipinagbawal niya ang anumang awit sa kanyang hukuman. Isinuko niya ang pagsuot ng makulay na imperial na balabal at nagsuot na lamang ng puti para sa pagluluksa.
Isang puntod ang ipinatayo para sa reyna. Dalawampung libong trabahador ang gumawa nito sa loob ng dalawampung taon. Mga mainam na dalubhasa, iskultor, ilustrador at mang-uukit ng India at iba pang karatig bansa ang kinuhang empleyado ng kilalang arkitekto ng mga panahong iyon, na si Usted Ahmad.
Ang bantayog ay yari sa mahahalaga at mamahaling materiales. Ang maluwalhating puting marmol na ginamit ay nagmula sa India; ang mga garnet at lapiz lazuli ay nagmula sa Seylon. Lahat-lahat, mahigit apatnapung uri ng mamahaling bato ang ginamit, kabilang ang turkesa na minina sa Tibet. Sa hilagang bahagi ng malaking daanan papuntang puntod, isang napakalaking takangkahan ang nagbabantay sa pasukan. Ang tarangkahan ng pinto ay yari sa pilak na nababalutan ng medyo mahahalagang mga bato.
Walang mas maganda kaysa paligid ng puntod. Sa tubig ng bantog na palatubigan, isang mataas na simboryo ang nakalutang sa bughaw. Ang lahat sa paligid ng palasyo ay ginawa upang tumawag-pansin tungo sa gitnang pigura ng walang kamatayang bantayog sa pag-ibig ng emperador, ang Taj Mahal.
No comments:
Post a Comment